-- Advertisements --

Naglabas ang DICT ng advisory warning laban sa ‘unverified’ independent tower companies.

Ayon sa kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy , ang naturang kumpanyang ito ay hindi konektado sa kanilang opisina at hindi sakop ng Philippine government.

Sinabi ng DICT na nakatanggap ito ng impormasyon na maraming unverified Independent Tower Companies (ITCs) ang humihiling ng impormasyon at nagmumungkahi na bumili ng mga ari-arian bilang mga site para sa mga cellular tower, na nagpapakilala bilang third Telecommunity Tower sa Pilipinas.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na mag-ingat at maging maingat sa paghawak ng mga sensitibong impormasyon.

Samantala, tiniyak naman ng DICT na kaagad nilang isasagawa ang imbestigasyon sa naturang isyu.

Maaari namang matukoy ng publiko ang mga registered Independent Tower Companies sa kanilang website.