-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang paggamit nito sa pondo ng free wi-fi program ng gobyero.

Ayon sa DICT, kakailanganin muli na dumaan sa procurement ang pagpili ng bagong partner sa proyekto kung nais masilip ng COA ang mga issue.

Iginiit din ng kagawaran na dumaan masusing pagpa-plano ang pagpili sa kinuwestyong partner sa proyekto na United Nations Development Programme (UNDP).

“The partnership with UNDP was a result of management plans and prerogative as shown on its approved Annual Procurement Plan that implementation of the Free Wi-Fi project will be outsourced.”

Batay sa annual audit report ng COA, nabatid na kulang ng mga dokumento ang Pipol Konek program ng DICT.

Kabuuang P1.362-bilyon umano ang halaga ng kontrata na ipinasok ng kagawaran sa UNDP.

Giit ng COA, tila ibinenta ng kagawaran sa organisasyon ang proyekto ng gobyerno.

Taliwas sa nilalaman ng Republic Act 10929 o Free Internet Access Act, kung saan hindi sakop ang divestment ng pondo ng gobyerno kahit pa pumasok ito sa partnership.