Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na ang SIM Card Registration Act ay nakatulong upang maitala ang mas kaunting mga scam sa pamamagitan ng mga text message.
Sinabi rin tagapagsalita ng DICT na si Renato Paraiso na mas madalas na ang mga scammer na gumagamit ng messaging apps kaysa sa text messages.
ANiya, sa kanilang monitoring, mas kumonti ang mga text scam gamit ang text messaging.
Ayon kay Paraiso, ito ay dahil sa SIM Card Registration Act na nagiging identifiable ang callers sa traditional text.
Sa kabila ng pagsiwalat ng DICT, ang ilang mga gumagamit ng mobile phone ay nakakatanggap pa rin ng mga scam messgaes sa pamamagitan ng text ilang beses sa isang linggo.
Iniugnay ito ni Paraiso sa mga hindi nakarehistrong SIM card na hindi “na-filter” sa labas ng system.
Dagdag dito, ang mga bagong SIM card na binili pagkatapos ng pagpasa ng SIM Card Registration Act ay kailangang mairehistro bago ito ma-activate at magamit.
Una nang nagbabala ang DICT sa mga mahuhuling scammers na papatawan ang mga ito ng mga kaukulang kaso alinsunod sa ipinatupad na batas.