-- Advertisements --

Binabantayan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kalagayan ng mga lugar na naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Marce’, at maaaring maapektuhan muli sa pagpasok ng bagyong ‘Nika’.

Ayon sa DICT, naka-standby ang Emergency Telecommunications Cluster ng ahensiya, upang tumugon sa anumang pangangailangan, katulad ng paglalaan ng akmang mga information and communications technology equipment para sa disaster response.

Nakadeploy din ang mga manpower ng ahensiya kasama ang iba pang assets nito.

Mula noong nanalasa ang bagyong ‘Marce’, nagpatuloy na sa ground zero (Cagayan Valley) ang naturang team upang umalalay sa mga operasyon.

Idineploy din ng DICT ang Mobile Operations Vehicle for Emergencies nito sa ilang mga lugar sa Cagayan Valley at iba pang apektado sa pananalasa ng bagyong ‘Marce’ at ‘Nika’. Ang mga ito ay nagdeploy ng Starlink units sa ilang mga bayan upang mapalakas ang internet connectivity.

Sa ilalim nito, ay napapanatili ang real time reporting ukol sa kung ano ang nangyayari sa pananalasa ng mga naturang bagyo.

Nakahanda rin ang mga standby generator ng ahensiya na ideploy sa mga lugar na apektado ang kanilang power supply.