Target ng Department of Information and Communications Technology na makipag-pulong sa Commission on Elections upang paghandaan ang nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa isang pahayag, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy, sa ngayon ay patuloy nilang pinag-aaralan ang nakaambang masamang epektong AI sa nalalapit na eleksyon.
Ito ay upang maiwasan ang anumang uri ng AI-powered propaganda at election related scams.
Ayon kay Uy, layong nilang ipaalam sa COMELEC at mga nagiging paraan at galawan ng mga scammers o mananamantala upang gumawa ng gulo sa darating na halalan.
Una rito , nakipagpulong na rin ang kalihim sa iba’t ibang mga bansa na magsasagawa ng halalan.
Layon rin nito na matukoy kung nagagamit na ba AI sa mga masasamang propaganda at kung paano ito maiiwasan.