Isinailalim na ng pamunuan ng Department of Information and Communication Technology sa pag repaso ang kasalukuyang free Wi-Fi program ng gobyerno sa ilang lugar sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DICT Undersecretary for Infrastructure Management, Cybersecurity, and Upskilling Jeffrey Ian C. Dy, sa ilalim ng pagrepasong ito ay ipapatupad ng kanilang ahensya ang malawakang pagbabago sa programa.
Ayon kay Dy, ito ay batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawang mas sustainable ang mga pangunahing programa na ipinapatupad ng kanilang ahensya para sa publiko.
Dagdag pa ng opisyal na ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad ng mas malawak na inistayatiba ng pamahalaan.
Batay sa datos, aabot sa P6.5 billion ang ginagastos ng ahensya taon-taon para sa naturang programa.
Kaugnay nito ay kumpyansa ang ahensya na magiging maganda ang serbisyo ng free wifi sa buong bansa para sa mamamayang Pilipino.