-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa gobyerno na dapat magkaroon ng regulations sa artificial intelligence (AI).

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na mahalaga na magkaroon ng balanse ang AI sa pagitan ng innovation at governance.

Binalaan din nito ang paghihigpit ng paggamit ng AI ay isang dis-advantage sa technological advancement ng bansa.

Marapat na isunod ang batas sa ipinapatupad na global best practices para magamit ng tama ang AI.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng regulations para hindi maabuso ang paggamit ng nasabing AI.