Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.
Paliwanag ng opisyal, ang ganitong uri ng mga social media applications kasi aniya ay posibleng magamit sa espionage o pag-iisp ng dahilan kung bakit dapat aniya na magpatupad ng regulation sa paggamit nito.
Bukod dito ay isiniwalat din ni Dy na kasalukuyan na rin nilang mahigpit na binabantayan ang messaging app na Telegram matapos ang ilang mga ulat na ginagamit umano ito para sa pag-leak ng database information mula sa mga website ng pamahalaan na nabiktima ng hacking.
Habang ang Facebook naman ay ginagamit ngayon ng mga kawatan para sa online selling ng mga sanggol.
Ito aniya ang dahilan kung bakit bukas ang kanilang kagawaran sa pagre-regulate sa ganitong uri ng mga social media application, o kahit na I-takedown pa aniya ang mga sites na mapag-alaman ginagamit sa mga ilegal na aktibidad.
Samantala, dahil dito ay umaapela ngayon ang DICT sa naturang mga social media platforms na tiyakin na hindi magagamit at nagagamit ang mga ito sa mga ilegal na gawain.