-- Advertisements --

Planong mas palawigin pa ng Department of Information and Communications Technology ang pagkakaroon ng mas maraming ‘technical hubs’ na gagamitin para sa darating na eleksyon.

Katuwang ang Commission on Elections at Department of Science and Technology, daragdagan pa ang mga ipapakalat na technical o repair hubs upang seguraduhin na magiging maayos ang mga Automated Counting Machines (ACM) sa magaganap na halalan.

Kung saan, ibinahagi mismo ni Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology na magtatalaga sila ng mga technical hubs na may kabuuang bilang na 110 sa iba’t ibang mga rehiyon.

Ayon pa sa kanya, bago ang inisyatibong ito sapagkat aniya’y noong mga nakaraang eleksyon ay nasa iisa lamang ito na matatagpuan pa sa Sta. Rosa, Laguna.

‘Unang-una the technical support or technical hub was only in Sta. Rosa so ang nangyayari po, tuwing may problema sa mga machine I mean these are machines noh. Talagang it’s inevitable, may talagang expected dyan, may malfunction or may maling pag-feed or whatever nag-jam, yun ink nag-leak… dinadala yung machine from anywhere in the country all the way to Sta. Rosa,’ ani Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology.

Dagdag pa niya, dahil sa mas pinalawig na lokasyon ng mga Technical Hubs, makatitiyak ang publiko at maging ang mga electoral board members na mayroong agarang technical support na maibibigay kung sakaling pumalya ang gagamiting ACM o Automated Counting Machine.

You can imagine the logistics, the time of delay, the people waiting to the vote to all of these things so ang laki ng naging isyu dyan. So ano po ang nangyari? So gumawa ng mga regional hubs para mas mabilis yung response time,’ bahagi pa ng pahayag ni Secretary Ivan John Uy ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Samantala, sa ginanap namang pirmahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections, Department of Science and Technology at Department of Information and Communications Technology, inihayag din ni Secretary Ivan John Uy ng DICT, ang kanilang buong koordinasyon at pakikipagtulungan upang masegurong magiging matagumpay ang magaganap na eleksyon sa darating na buwan ng Mayo.

We are the one’s to give advice to the COMELEC as to the what are the technologies available in the market that are can be used. How do we ensure the reliability of the system, the security of, and trustworthiness of whatever technology that we’re going to adapt in any automated elections so yan po ang role ng DICT,’ ani Secretary Ivan John Uy ng DICT.