Patuloy na inaalam ng pamunuan ng Department of Information and Communications Technology ang lawak ng naging damage ng nangyaring hacking incident sa system ng Department of Science and Technology.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng naging kumpirmasyon ng DOST na sila ay nabiktima ng ransomware attack na kung saan nawalan nito ng access sa kanilang system.
Bukod dito ay nakumpurmiso rin ang aabot sa dalawang terabytes na kanilang datos.
Sa isang pahayag, sinabi ni DICT Spokesperson Asec. Aboy Paraiso, maikokonsidera nila itong pinakamalaking data storage na nakompromiso sa isang departamento sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Tiniyak naman ni Parasio na hindi ito kasing lala ng nangyari sa PhilHealth na nalagay sa alanganin at nakumpurmiso ang sensitibo na impormasyon ng ahensya.