-- Advertisements --
Ikinokonsidera na ngayong ng Department of Information Communication Techonlogy (DICT) na tapusin ang free unlimited wifi program ng gobyerno.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na matagumpay ang nasabing free wifi program ng gobyerno.
Mayroon mataas ito na utilization sa halos lahat ng 13,000 na sites sa buong bansa.
Napansin lamang nila na inaabuso ang free internet connection sa pamamagitan ng pag-download ng mga pelikula mula sa iligal sites at hindi produktibong aktibidad.
Dahil dito ay ikinokonsidera na nila ang pag-regulate ng nasabing paggamit nito para hindi abusuhin.
Maglalaan na lamang sila ng mas malaking data allocation ng wifi sa mga paaralan para magamit ito ng mga mag-aaral.