Kinumpirma ng Department of Information and Communications na kanilang sasamantalahin ang “Super Election Year”.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Information and Communications Sec. Ivan John Uy na ang naturang “Super Election Year ay taon na kung saan ang mga bansa sa ibat-ibang bahagi ng mundo ang nagsasagawa o nakatakdang magsagawa ng kanilang eleksyon.
Batay sa datos , aabot sa 80 na bansa sa buong mundo ang sumailalim at sasailalim sa eleksyon sa susunod na taon.
Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na sila ay nakikipag-ugnayan na sa mga bansang ito upang mapigilang ang anumang uri ng fake news sa nasabing panahon.
Tugon rin ito ng kalihim sa tanong kung paano masawata ang maling paraan ng paggamit ng AI o Artificial Intelligence sa darating na halalan sa bansa.
Patuloy naman aniyang minomonitor ng ahensya ang “Super Election Year”.