Sinimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang emergency procurement para maayos ang mga imprastrakturang nasira sa pananalasa ng Super Typhoon (ST) ‘Pepito’.
Ayon kay DICT Assistant Secretary for Legal Affairs Renato Paraiso, noong gabi ng Lunes, Nov. 18 ay sinimulan na ng DICT ang procurement process para rito.
Una nang nagdeploy ang DICT ng mga emergency response vehicle sa mga lugar na apektado ng magkakasunod na bagyo, kasama ang Commsbox, isang portable all-in-one satellite communications system.
Ayon pa kay Asec. Paraiso, patuloy din ang ginagawa ng National Telecommunications Commission (NTC) na monitoring sa mga network operator na may pangunahing tungkulin sa pag-aayos sa mga apektadong linya ng komyunikasyon.
Ayon pa sa opisyal, pinamamadali na ang ginagawang pagsasa-ayos sa mga lugar na labis na naapektuhan sa pananalasa ng bagyo upang maibalik ang maayos na linya ng komyunikasyon sa mga naturang lugar.