Nagsisimula na ang Department of Information and Communications Technology sa pagpapalawig ng digital transformation sa mga ahensya ng gobyerno.
Layunin nito na masanitize o mafilter ang mga data at impormasyon ng bawat kagawaran.
Marami umanong aspeto itong digitalization, unang una ay ang sistema, pangalawa ay ang polisiya, at ang pangatlo ay ang capacity building kung saan ituturo kung ano ang mga dapat na gawin o kung paano makakapag adjust sa digitalized world.
Ilan sa mga ito ay ang cyber security o ang pagbibigay ng sapat na proteksyon sa mga pribadong impormasyon dahil sa prone ito sa mga scam kapag maisakatuparan na ang digital transformation.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng ahensya ang pagsasabatas ng e-governance law nang sa gayon ay tuloy tuloy na ang digital transformation sa bansa.
Kinakailangan raw na mabago ang mindset ng bawat indibidwal pagdating sa digital transformation upang maging epektibo ito.
Isang hamon raw sa planong digital transformation ay ang mindset kung paano gagamitin itong sistema.