Sumaklolo na rin ang Department of Information and Communication Technology para sa containment Sa nangyaring data breach sa sistema ng Philippine National Police.
Sa isang pahayag sinabi ng DICT na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang isinasagawang analysis at containment procedures hinggil sa nangyaring data breach.
Kaugnay nito ay may nakita na umano silang mga malicious accounts na posibleng gumawa at nag trace ng malware o kahit na anong script na posibleng ginamit para sa privileged escalation.
Batay sa inisyal na pag aanalisa ng DICT, lumalabas na posibleng lagpas isang buwan na ang nakakalipas noong nagsagawa ng cyber attack sa sistema ng PNP kung saan kabilang sa kanilang napasok ay ang Logistics Data Information Management System NG PNP at official repository of data ng Police equipment at physical assets ng kapulisan.
Habang sa ngayon ay posibleng sinusubukan na umanong pasukin ng mga hackers ang online at permit application platform NG PNP Firearms and Explosives Office.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagtutulungan ng PNP Directorate for ICT Management at PNP-ACG sa DICT ukol dito.
Magugunitang una nang inanunsyo ng PNP na isha-shutdown muna nito ang lahat ng kanilang Online services until further notice upang ma’s paigtingin pa ang defensive posture NITO LABAN Sa mga hacker.