-- Advertisements --
Doble kayod ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magkaroon ng libreng internet connectivity ang mas maraming Filipinos.
Sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, na target nilang maglaan ng libreng WIFI para sa 40 milyon Pinoy pagdating ng 2028.
Lumabas kasi sa pag-aaral na mayroong 33 percent ng mga Filipino ang may access sa fixed broadband.
Sa kasalukuyan ay mayroong 8 milyon na mga Filipinos mula sa isolated barangays ang nabigyan ng ahensiya ng libreng WIFI for All program.
Isa sa malaking hamon din sa ahensiya ngayon ang pagpopondo kung saan kailangan ng nasa P60 bilyon para maabot ang target population.