-- Advertisements --
DICT
IMAGE | DICT Usec. Eliseo Rio Jr.

Ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroon ng 104,000 na mga public wifi sa buong bansa pagdating ng taong 2020.

Sinabi ni DICT Undersecretary Eliseo Rio, mayroon ng 3,000 lugar sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakahanda na para lagyan ng wifi.

Dagdag pa nito, sumusunod lamang sila sa isinasaad ng batas na ang access sa information ay hindi lang prebihiliyo at sa halip ito ay isang basic right.

Mayroong bilis na 4mbps ang free wifi sa Pilipinas kumpara sa 60 MBPS ng ibang bansa gaya ng Singapore.