Mariing tinututukan ngayon ng bagong liderato ng dict ang pagtugon o pagresolba sa paglaganap ng call and text scams.
Ayon kay dict spokesperson assistant secretary renato paraiso na bubuo ang Cybercrime Investigation and Coordinating Council (ICC) kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan ng isang task force para sugpuin ang online at text scammers.
Binigyang diin ni Paraiso na karamihan sa mga krimen ngayon ay online na.
Kaya ito aniya ang pinag tutuunang pansin ngayon ng CICC na pinamumunuan ni DICT Secretary Henry Aguda.
Sinabi ni paraiso sa pamamagitan ng CICC ay mas mabillis at mabangis na ang paglaban nila sa mga fake news peddlers, illigal online gambling sites, calls and text scammers.
Katuwang aniya nila ang pribadong sektor sa pagsawata ng mga digital crime para matiyak na may tamang pagtukoy, pag aresto at pagpanagot sa mga nasa likod ng anumang uri ng cybercrime.