-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bibigyang-diin ni PBBM ang digital connectivity sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay DICT Spokesperson Atty. Renato Paraiso, umaasa ang ahensiya na isa sa magiging highlight at susuportahan ay ang ibat ibang salik ng digital connectivity.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa digital info-structure, connectivity, libreng wifi, upskilling, at cyber security.

Ayon kay Paraiso, kaisa ang DICT sa pagtutulak ng mas magandang digital infrastructure sa bansa.

Ang SONA ni PBBM ay nakatakda sa July 22, 2024.

Ito na ang ikatlong SONA ng pangulo simula nang umupo siya noong July, 2022.