-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang posisyon si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.

Nakasaad sa kaniyang resignation letter na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-kuwestiyon nito sa paglabas ng ilang daang milyon pesos na confidential funds.

Nakasaad din sa kaniyang resignation letter ay ang mga nagawa nito o accomplishment ng kaniyang opisina gaya ng extension ng validity ng mga pre-paid load sa isang taon.

Taon 2017 ng itinalaga ito sa ahensy bago ipinalit bilang permanent secretary si dating Senador Gregorio Honasan noong Hulyo 1, 2019.