-- Advertisements --
Walang plano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin pa ang deadline ng SIM Registration.
Ayon sa DICT na mula ng simulan ang registration noong Disyembre ay pakonti-konti na ang mga natatanggap nilang reklamo.
Base kasi sa pagtaya ng Inter-Agency Response Center (IARC) na aabot sa 1,263 na reklamo ang kanilang natanggap mula sa kanlang 24/7 hotline na 1325 na nagsimula noong Disyembre 27.
Karamihan aniya sa mga reklamo ay natugunan na gaya ng hindi paggana ng mga website at ang hindi makapagrehistro ng kanilang SIM.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa mahigit 16 milyon na ang nakapagparehistro ng kanilang SIM at target nila ang isang milyon na SIM registration ang maitatala sa isang araw.