-- Advertisements --
Margielyn Didal
Didal/ IG post

Inaayos na lamang ni Philippine Skateboarding champion Margielyn Didal ang ilang tricks na gagawin para sa 30th Southeast Asian Games.

Bukod pa rito ang isinagawang training sa ibang bansa.

Sumailalim din ang 20-anyos na si Didal sa therapy sa Cardia Olympia para ma-improve ang kaniyang reflexes.

Bagamat may mga bagong tricks siyang pinapraktis ito naman ay nakatutok pa rin sa kaniyang mga game plan na ipapagana sa nasabing 30th SEA Games.