Nilinaw ni Diego Loyzaga na tanging “friends in talking terms” ang estado ng relasyon nila ng sexy actress na si Barbie Imperial.
Unang beses na direktang pahayag ito ni Loyzaga, mahigit isang buwan mula nang makumpirma ang paghihiwalay nila pero kamakailan lang ay namataan sila na magkasama.
Ayon sa 26-year-old actor, mabuti naman ang lagay ng kanyang puso at totoong nagkita sila sa isang restaurant sa Pasig City noong nakaraang linggo pero wala itong malisya.
Kung maaalala sa paglalarawan naman ng 23-year-old sexy actress kasabay ng “love month” nitong Pebrero, “good breakup” ang kinahinatnan ng isang taon pa lamang na relasyon nila kung saan kapwa nagkasundo na marami pa silang dapat na matutunan.
Nabatid na si Diego ay naugnay sa sexy star na si AJ Raval.
Hugot naman ni Imperial, mamahalin muna niya ang sarili upang hindi na nauulit ang nagiging dahilan ng breakup sa mga nagiging boyfriend.
Samantala, wala ring nabanggit si Diego sa rebelasyon ni Ogie Diaz na nakakasakal umano na karelasyon ang young actress na umabot sa puntong napagsabihan ng kanyang inang si Teresa Loyzaga noong napadalas ang pagtambay sa kanyang bahay.