-- Advertisements --
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga/ IG post

Nanawagan ang actor na si Diego Loyzaga na tulungan siya matapos na ma-hack ang kaniyang official Facebook page.

Sa kaniyang Twitter account humingi ito ng tulong matapos na matanggal siya bilang administrator ng kaniyang FB page.

Mula ng matanggal ang siya bilang FB administrator ng page ay nagpo-post na ang mga ito ng mga pornographic video at mga malalaswang larawan.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay pinasok din ng mga hackers ang FB page ng bandang Parokya ni Edgar at ilang mga local celebrities.