-- Advertisements --

Nagdesisyon ang actor na si Diego Loyzaga na bumalik ito sa pag-aartista.

Ito ay matapos ang halos dalawang taon na namahinga dahil as personal na dahilan.

Ayon sa 25-anyos na actor, nagkaroon lamang siya ng sapat na panahon sa kaniyang sarili noong ito ay umalis panandalian sa showbiz.

Tinanong niya ang sarili kung ito nga ba ang talagang nais niyang gawin sa buhay at napagtanto nito na ipagpatuloy ang pagsabak sa showbiz.

Nagkaroon aniya ng matinding desisyon sa nasabing pagbabalik sa showbiz na ilang beses niya itong pinag-isipan.

Magugunitang taong 2018 ng huling lumabas sa isang teleserye ang actor at matapos nito ay nagdesisyon itong mamahinga sa ibang bansa.