BUTUAN CITY – Sentro rin sa atensyon ng Dugong Bombo 2019 na isinagawa sa Robinson’s Place ang isa sa mga avid listeners ng Bombo Radyo Butuan matapos malamang wala siyang paltos sa pagdo-donate ng dugo mula noong unang inilunsad ang taunang blood-letting activity ng Bombo Radyo Phiippines network.
Ayon kay Dario Angco, 50, residente ng Purok 5, Brgy. Angtongalon nitong lungsod, una siyang naka-donate ng apat na beses sa blood-letting activity ng kanilang barangay ngunit nang magsimula ang Bombo Radyo sa ganitong aktibidad, ay hindi na siya nagdo-donate pa ng dugo sa ibang organisasyon o kagayang aktibidad maliban lamang sa Bombo Radyo kungsaan siya die-hard listener
Ito ay lalo na’t ang kanyang napatunayan na ito ang dahilan ng hindi niya madaling pagkakasakit sabay pangakong habang patuloy pa ang operasyon ng Bombo Radyo ay patuloy din ang kanyang panata.