-- Advertisements --
Nagbuhos ng nasa P40 bilyon ang mga global at local investors sa digital banking sector ng bansa.
Ayon sa Digital Bank Association of the Philippines (DiBA PH) layon nila ay para magpakita ng suporta sa lumalagong financial landscape.
Sinabi pa ni DiBa PH president Angelo Madrid na mula pa noong 2021 ay patuloy na dumarami ang inaakit na investors ang digital banking ng bansa.
Noong 2023 ay umabot na sa 5.9 milyon ang mga depositors ang digital banks habang halos dumoble sa P69 bilyon ang halaga ng kanilang deposito noong 2023 kumpara noong 2022 na mayroong P35-B.