-- Advertisements --
Nakalikom ng mahigit P1.2 million sa loob lamang ng isang araw ang isinagawang digital concert ni Gary Valenciano.
Sa kaniyang Facebook, masayang ibinahagi ng tinaguriang Mr. Pure Energy na mayroong P1,247, 177 ang nalikom nito sa concert.
Mapupunta aniya ang nasabing nalikom nito sa isang charity.
Tumagal ng mahigit dalawang oras ang nasabing concert kung saan hindi naman nabigo ang mga fans nito dahil kinanta niya ang kaniyang mga hit songs.