Umani ng samu’t saring reaksyon ang plano ng Land Transportation Office na maglunsad ng digital driver’s license.
Nais ng ahensya na magkaroon ng online version ng driver’s license bilang pagtaloma sa direktiba ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na ipatupad ang digitalization sa mga ahensya ng gobyerno.
Ito ang magsisilbing alternatibong lisensya at ma aaccess ito sa super app na ginawa ng Department of Information and Communications Technology.
Isang advantage umano nito ay accessible ito at agad na maipapakita sa law enforcement sakaling mahuli.
Sumang ayon sa isang motorista dito dahil maganda raw ito para sa mga nagmamaneho.
Samantala, ayon sa ilang mga nagmamaneho, hindi umano sila sang ayon dito dahil mahihirapan lamang ang mga driver sa proseso nito lalong lalo na raw ang mga matatanda.
Ayon pa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, mayroon na umanong mapagpipilian ang publiko kung ang gagamitin raw ay papel o itong online version kaugnay nga ng problema sa kakapusan sa supply ng plastic drivers license card.
Sinisiguro naman ng ahensya ang seguridad nitong digital driver’s license.