-- Advertisements --
image 121

Binigyang diin ni Department of Transportation Sec. Jaime Bautista na kailangan pang pag aralan ang planong ilunsad ng digital driver’s license ng Land Transportation Office kasama ang Department of Information and Technology.

Ito ay upang masiguro na wala umanong malalabag at masuri rin ang mismong proseso nito mula sa pag check ng enforcers at ang pag gamit ng mga nagmamaneho.

Samantala, ang digital drivers license na ito ayon naman sa Land Transportation Office ay magpapadali sa bawat proseso dahil accessible na ito.

Kung maaalala itong digital driver’s license ay isa sa solusyon ng Land Transportation Office sa isyu kaugnay ng kakulangan sa driver’s license plastic card.

Dagdag pa rito, ito ay pagtalima rin ng ahensya sa planong implementasyon ng digitalization sa buong bansa.

Samantala, ang procurement ng drivers license plastic cards raw ay darating na Hunyo at 60 working days pa ang hihintayin bago ang delivery nito.

Kaya naman ina asahan na sa Hulyo o ang worst case scenario ay sa Agosto.