-- Advertisements --

Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang GSIS Digital ID, na nagmarka sa isang makabuluhang hakbang nito tungo sa digital transformation.

Ang paglulunsad na ito ay ginawa kasabay ng ika-87 anibersaryo ng state pension fund na may temang, “GSIS @87: Kabalikat sa Bagong Pilipinas.”

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso na ang pagpapahusay ay “isa pang hakbang” sa pagsisikap ng pension fund na i-automate ang mga proseso, i-streamline ang mga serbisyo, at pagbutihin ang karanasan ng customer para sa mga miyembro at pensioner.

Giit ni Veloso na patuloy na nagsusumikap ang GSIS na gawing mas ligtas at mas maginhawa para sa mga manggagawa ng gobyerno na makipagtransaksiyon

Punto pa ng opisyal na ang paglulunsad ng GSIS Digital ID ay naaayon sa Bagong Pilipinas Strategy ng administrasyon na kung saan kasama ang GSIS bilang pangunahing katuwang sa pagpapatupad ng matatag na hakbang upang makabuo ng mga makabagong solusyon, magmaneho ng progreso at sustainable development para sa ating bansa

Ang GSIS Digital ID ay isinama sa GSIS Touch mobile app, na nagbibigay-daan sa mga nakarehistrong user na ma-access ang kanilang digital ID para sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan, pagpapahusay ng kahusayan, seguridad, at pag-iwas sa panloloko.

Simula noong Disyembre 2023, 97 porsiyento ng mga transaksyon sa pautang ng GSIS ay naproseso nang elektroniko, na nagpapakita ng pangako ng organisasyon sa kaginhawahan at accessibility.

Noong Abril 2024, itinigil ng GSIS ang paggawa ng Unified Multipurpose Identification (UMID) card at eCards, na lumipat sa automated teller machine (ATM) card mula sa mga napiling bangko para sa mga bagong enrollees.