-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng mga gumagamit ng digital payment sa bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, na nagsimula ang pagdami ng digital payment noong 2018.

Mas dumoble ang bilang aniya ng digital payment mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.

Inaasahan na rin ni BSP Governor Benjamin Diokno na mas marami pang mga establishimento ang magpapatupad na gumamit ng digital payment para maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19.