Kailangan ng irehistro sa Commission on Elections ng mga kakandidato ang digital platforms na gagamitin para sa kampaniya para sa 2025 midterm elections.
Sa inilabas na resolution nitong Miyerkules, kabilang sa mga dapat na irehistro sa Comelec-Education and Information Department ay ang official social media account at pages, websites, podcasts, blogs, vlogs at iba pang online at internet-based campaign platforms ng mga kandidato at mga partido na tatakbo sa halalan sa susunod na taon gayundin ang kanilang campaign teams na ginamit para ipangampaniya ang isang kandidato.
Magsisimula ang registration period sa loob ng 30 calendar days matapos ang paghahain ng certificates of candidacy o mula Nobiyembre 8 hanggang Disyembre 13 ng kasalukuyang taon.
Tanging ang mga kandidato at kanilang awtorisadong kinataan ang maaaring magsumite ng registration form para sa social media accounts at iba pang digital campaign platforms.
Inilatag din ng komisyon ang mga ipinagbabawal na gawin sa paggamit ng digital technology sa pangangampaniya gaya ng paggamit ng fak accounts para magpakalat ng maling impormasyon laban sa kalabang kandidato at misinformation na tumatarget sa Philippine election system, sa Comelec at electoral processes sa kasagsagan ng kampaniya at halalan.
Samantala, bumuo naman ang poll body ng Task Force sa katotohanan, katapatan at katatungan sa Halalan para pangasiwaan ang pagpapatupad ng guidelines, pag-review ng registration forms, validation, approval at pag-endorso sa Comelec en banc