-- Advertisements --

Inanunsyo na ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbubukas ng bagong Digital Taxpayer Identification Number para sa mga taxpayers.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., maaari na itong ma-avail ng mga taxpayers.

Paliwanag ni Lumagui Jr, ang Digital Taxpayer ID Number ay karagdagang bahagi ng Online Registration and Update System (ORUS) ng BIR.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, sinabi ng Komisyuner na mababawasan ang pang-aabuso ng mga fixer na nagbebenta ng TIN ID online.

Mas maganda rin aniya itong alternatibo para makakuha ng TIN nang hindi na nila kailangan pang pumila sa mga Revenue District Offices ng BIR.

Para makakuha o makapag-apply ng Digital TIN ID ang mga indibidwal taxpayer na mayroon nang TIN, kailangan lamang na i-enroll nila ito sa kanilang Online Registration and Update System (ORUS).

Paalala ni Comm Lumagui Jr, libre ang digital TIN ID.