Naniniwala ang bagong talagang Commission on Elections (Comelec) Commissioner Nelson Java Celis na ang isang paraan para matulungan ang poll body para mapalakas ang tiwala ng publiko sa institusyon ay sa pamamagitan ng digital transformation.
Tiniyak din ng commissioner na mapapaganda nito ang pagiging epektibo at matiyak ang maayos na implementasyon ng automated election system.
Makakatulong din aniya ito para makapagsagawa ng isang free, honest, credible at modernized electoral exercises .
Kamakailan lamang ng manumpa bilang isa sa bagong commissioner ng poll body si Celis kasama si Atty, Ernesto Maceda Jr.
Kung saan sinabi nito sa kaniyang talumpati na ang nag-improve ang automated elections sa Pilipinas simula noong 2010 lalo na nang magpatupad ang Comelec ng paggamit ng digital signatures sa unang pagkakataon noong May 2022 elections.
Subalit upang mapaganda pa aniya ang efficiency ng poll body sa pangangasiwa sa halalan, binigyang diin ng Comelec official ang pangangailangan ng angkop na mga batas para sa digitalization para magkaroon ng kapasidad at maging handa ang Comelec tungo sa pagkakaroon ng isang “e-Government at magpatupad ng mga polisiya sa e-commerce at e-governance.