-- Advertisements --
image 129

Malaking bagay sa National Economic Development Authority (NEDA) ang digital transformation sa gobyerno para mas gumanda pa ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rose Marie Edillon na sa pamamagitan ng digital transformation, makakahikayat ito ng mas maraming mamumuhunan.

Mas episyente kasi sabi ni Edillon para sa mga negosyante kung digitalized ang mga transaksiyon sa gobyerno.

Bukod dito, makakaambag din ito sa pagpalakas pa ng ekonomiya ng bansa sa 2023 ang pagre-relax ng mobility restrictions at masiguro ang food security para sa purchasing power ng mga mamimili.

Kaugnay nito’y inihayag ng NEDA official na binabalangkas na ang Philippine Development Plan sa gitna ng target na transformation na ipinupursige ng pamahalaan para sa ating recovery.