Magkakaroon raw ng epekto itong hindi pag extend ng SIM registration sa digital transformation ng bansa dahil oras na hindi makapagrehitro ay madedeactivate ang SIM card at mawawala ang financial connection nito.
Dalawang araw na lamang ang natitira ay muling umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa DICT na palawigin ang SIM registration ng kahit isa o dalawang buwan.
Ilan raw kasi sa magiging epekto nito, ay ang kawalan ng access sa mga one-time passwords o OTP sa mga accounts iba’t ibang applications maging sa banko.
Pati umano ang mga emergency messages ay hindi na matatanggap ng taong hindi nakapagrehistro ng SIM card.
Una na rito, nagpaalala ang mambabatas na ayon sa probisyon ng SIM Registration Law, nagpapahintulot ito ng 120 days na extension.