-- Advertisements --
image 353

Mas pinaiigting pa ng DSWD ang kanilang social services sa pamamagitan ng pagbuo ng Digital Transformation Team kabilang ang mga eksperto sa Information and Communications Technology discipline.

Itong binubuong team ay bibigyang tuon ang ilan sa pangunahing programa ng DSWD na “Ease of Doing Social Welfare”, partikular na sa pagkakaroon ng mga proyektong magpapabilis sa proseso, pagiging accessible ng ahensya at pagpapatibay ng programa.

Layunin rin nito na magkaroon maging seamless at user-friendly na serbisyo para sa mga benepisyaryo kung saan ang mga Pilipino ang tatamsa.

Sa ngayon ay naghahanap pa ang ahensya ng mga professional sa iba’t ibang larangan tulad ng full-stack web development, software quality engineering, cybersecurity, data privacy at iba pa.