Kasalukuyang ipinoproseso ng PhilHealth ang digitalization upang mas mapabilis ang bawat transaksyon sa nasabing ahensya.
Ayon kay Acting President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., ito ay isa sa kanyang prioridad simula ng siya ang maging presidente ng PhilHealth.
Nakikipag ugnayan na raw sila sa government and non government agencies para sa matagumpay na pagsasagawa ng full digitalization sa kanilang ahensya.
Nagkaroon na rin daw sila ng pag uusap kasama ang Department of Information and Communications Technology, at handa itong makipagtulungan sa kanila.
Sa ngayon, paunti-unti ay sinisimulan na nila ito, tulad na lamang ng online payments dahil nais nilang mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa tao.
Samantala, sinabi naman ni Senior Vice President Chief Information Officer Jovita Aragona, ang kasalukuyang online transactions ay mas pinapaganda pa upang makarating sa full implementation ng digitalization.
Bagamat, nais nilang mapadali itong digitalization, ay hindi raw ito kakayanin at matatagalan pa ang full implementation nito.