-- Advertisements --
BSP Bangko Sentral ng Pilipinas 1

“Naging malaking susi para mapanatili ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng pandemiya ang digitalization.”

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, dumami na ang gumagamit ng mga digital payments kumpara sa ATM withdrawal at checque payments noong 2020.

Mayroong 188 percent ang pagtaas nito noong 2020 kung ikukumpara noong taong 2019.

Dagdag pa nito, mayroong 100 percent ang pagdami ng mga nag-download ng apps at nag-sign ups sa mga digital platform payments mula Enero hanggang Abril 2020.

Magugunitang ipinag-utos ng gobyerno na gumamit na lamang ng digital payment ang mga tao para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa pagbabayad ng mga bilihin.