Nakikitang solusyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang digitalization upang mawaksan ang korupsyon at mapagbuti pa ang mga serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno sa bansa.
Ginawa ng Finance Secretary ang naturang pahayag sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on ways and means nang matanong ni panel chair Senator Sherwin Gatchalian ang maaaring gawing reporma para mapagbuti pa ang serbisyo sa mga ahensiya gaya na lamang aniya ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue na ayon sa ilang reports ay lumalabas na corrupt ay problematic government agencies.
Aniya, sa nakalipas na taon kapag pinag-uusapan ang isyu sa korupsyon at kontrobersiya, ang welfare at hinaing ng mga taxpayer ang dalawang ahensiya ang laging nangunguna sa listahan.
Sa panig naman ni BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo target nito na magkaroon ng moral transformation sa mga empleyado sa pamamagitan ng webinars at training.
Ayon naman kay BOC Deputy Commissioner Edward James Buco na ang ahensiya ay nag-shft na sa online transactions at inihayag na isa sa kanialng pangarap o misyon ng bawat commissioner ay mapuksa ang korupsyon at mapaganda ang imahe ng BOC.
Tiniyak din ni Buco at Guillermo na maisasakatuara ang pagpapatupad ng zero-contact transactions sa kanilang mga ahensiya.