-- Advertisements --

Nakumpleto na ng Bureau of Corrections (BuCOR) ang pag-didigitalize ng mga records ng mga inmates dahil na rin sa tulong ng European Union (EU).

Nasa mahigit 50,000 na mga dokumento na ang na-digitalize dahil sa suporta ng European Union.

Kasama na rito ang mga basic information para sa biometric descriptions ng mga inmates.

Kaugnay nito, ang naturang digitalization ay daan para ma-access ng mga bilanggo ang kani-kanilang dokumento at mga kaso.

Ang EU-GOJUST ang nagbibigay ng mga equipment at technicians para i-scan ang lahat ng dokumento.

Nasa halos P12 Million ang nilaan para sa programang ito.