Nanguna ang National Housing Authority (NHA) sa paglulunsad ng Digitalized Entry Pass.
Layon ng proyektong ito na pagtibayin ang mga pamamaraan para sa mga housing project ng ahensya .
Dito ay pinagtutuunan ng pansin ang paggamit ng modern technology at maging ang mga makabagong estratihiya sa pagsasagawa ng mga proyektong pabahay ng gobyerno.
Paliwanag ng NHA, ang Digitalized Entry Pass ay isang opsiyal na dokumento na maaaring ibigay sa mga regional office ng NHA.
Ito ay para lamang sa mga pasok at kwalipikadong pamilya sa pabahay ng pamahalaan na siya namang nagbibigay ng panhintulot sa kanila para sa pag-ukupa sa mga unit na ini-award sa kanila.
Proseso rin ito ng relokasyon na pinangungunahan ng Resettlement and Development Services Department.