Nagdudulot ng ‘global food crisis’ ang nangyaring digmaan ng Russia sa Ukraine, at hindi ang mga parusang ipinataw sa Moscow.
Ayon kay EU’s top diplomat Josep Borell, nagdudulot sila ng kakapusan.
Binobomba nila ang mga lungsod ng Ukraine at pinupukaw ang gutom sa mundo.
Sinabi niya na ang militar ng Russia ay “naghahasik ng mga bomba sa mga bukid ng Ukraine, at ang mga barkong pandigma ng Russia ay humarang sa sampu-sampung barko na puno ng trigo”.
Aniya, binobomba nila at sinisira ang mga stock ng trigo at pinipigilan ang trigong ito na ma-export.
Nagbabala si Borrell na bilang karagdagan sa mga marahas na labanan na nagaganap sa Ukraine, “may isa pang labanan, at ito ang “battle of narrative”.
Iginiit nito na hindi ang mga sanctions na ipinataw sa Moscow ang dahilan ng food scarcity kundi ang mga Russian military.