DAVAO CITY – Nakalabas na ng hospital si Digos City, Davao del Sur Mayor Josef Cagas matapos gumaling sa COVID-19.
Kung maalala, na-confine ito matapos makaranas ng moderate case ng COVID-19 sa nakaraang Marso 31, 2021.
Una ng sinabi ng opisyal na nahawa siya sa virus matapos makaranas ng ilang mga sintomas gaya ng lagnat, chill, panghihina, fatigue at ubo.
Nagnegatibo naman si Cagas matapos isinagawa ang initial swab test sa nakaraang Sabado.
Una na rin na nagpahayag ng pasasalamat si Cagas matapos na nagnegatibo rin sa covid sa isinagawang contact tracing at testing ang kahat ng kanyang mga nakasakamuha.
Patuloy naman ang panawagan ng opisyal sa publiko na manatiling sumunod sa health protocols gaya ng pagsuot at facemask, one -meter physical distancing, regular hand washing, uminon ng tubig, uminom ng vitamins at kumain ng mga masustansiya pagkain.