Inamin ni Chinese Premiere Li Keqiang na hindi pa lusot ang Hong Kong sa problema nito mula sa ilang buwan na malawakang kilos-protesta sa naturang lungsod.
Sinabi ito ni Li kasabay ng pakikipagpulong niya kay Hong Kong leader Carrie Lam. Responsibilidad umano ng special administrative region government na ipagpatuloy ang kanilang hakbang upang matigil na ang karahasan sa Hong Kong alinsunod na rin sa law and restore order ng lungsod.
Ang naturang kilos-protesta aniya ay nagdulot ng matinding kapahamakan at epekto sa ekonomiya ng lungsod.
Hinikayat nito si Lam na muling tumayo mula sa pagkakadapa at agarang aksyunan ang kinakaharap na problema ng kaniyang nasasakupan.
“The central government fully acknowledges the efforts made by you and the city’s government,” wika ni Li kay Lam.