-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) National ang kahusayan ng DILG XII matapos itong makakuha ng 100% compliance at nanguna sa buong Pilipinas sa larangan ng Local Government Units in Good Financial Housekeeping (GFH) para sa taong 2022.

Batay sa facebook post ng DILG XII, nagpaabot ng kanyang pagbati si Regional Director Josephine Cabrido-Leysa sa 53 local government units sa buong rehiyon 12 sa pagsisikap nito na maiangat ang antas ng pagbibigay ng serbisyo publiko sa kanilang nasasakupan.

Napabilang sa 100% Compliance LGUs sa larangan ng GFH ang lalawigan ng Cotabato, 17 mga munisipyo at isang syudad na sakop nito.

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati sa DILG XII si Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza at pinasalamatan ang ahensya sa patuloy na pag gabay nito sa mga lokal na pamahalaan upang maging epektibo at maayos ang pag gamit nito sa pondong nagmula sa buwis ng mamamayan.