CENTRAL MINDANAO-Itinalaga ni Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano si DILG-12 Regional Director Josephine Cabrido-Leysa,bilang tagapag-alaga ng munisipalidad ng Magpet Cotabato.
Ang kautusan ng Kalihim ay naatasan si RD Leysa na maging “tagapangalaga ng lokal na pamahalaan ng Magpet Cotabato.
Matatandaan na nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) si Magpet Mayor Florenito Gonzaga.
Habang naka-quarantine naman ang buong myembro ng Sangguniang bayan ng Magpet ng makasalamuha ni Vice-Mayor Rogelio Marañon ang isang Covid 19 positive case.
Nilinaw ng DILG na hindi pwedeng uupong Acting Mayor si Marañon dahil naka-quarantine ito at maituturing na leave of absent.
Ngunit sa pinakahuling ulat nagnegatibo sa Covid 19 si Vice-Mayor Marañon.
Matatapos ang acting capacity ni RD Leysa sa Magpet kung gumaling na ang mga opisyal ng bayan.