-- Advertisements --

Tinukoy ng Malacanang at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 38 ‘hotspots’ na bibigyan-pansin sa pagbabantay sa darating na 2025 National and Local Elections.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, pang-27 ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa listahan.

Magkakaroon pa ng pag-uusap kasama ang presidente sa November 15 para talakayin ang mga maaaring gawin kung sakaling may mangyaring kaguluhan na may kinalaman sa eleksyon para na rin magkaroon ng ligtas at patas na eleksyon sa naturang lugar.

Dagdag pa niya na kasama sa mga titignang lugar ang Albuera, Leyte na mayroong dating nabalita na casualties na may kinalaman sa eleksyon. (report by Bombo Ysa )