-- Advertisements --
Valente Bajet
Valente Bajet/ DILG FB POST

Natagpuang patay sa loob ng kaniyang opisina ang assistant regional director ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Region 8.

Nadiskubre ang pangyayari ni DILG Director Artemio Caneja, kung saan nagtaka ito dahil mula umaga hanggang tanghali nitong Huwebes ay hindi pa ito lumalabas sa kaniyang opisina si Valente Bajet.

Pinuntahan niya ito sa kaniyang opisina subalit wala si Bajet doon.

Dahil dito ay napilitan niyang buksan ang kuwarto sa opisina at doon lumantad ang wala ng buhay na biktima na nakahiga sa kama.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang insidente.